Impormasyon Sa Baterya At Charger; Maliliit Na Bata; Mga Medical Na Device - Nokia 220 4G User Manual

Hide thumbs Also See for 220 4G:
Table of Contents

Advertisement

Available languages

Available languages

Nokia 220 4G User guide

IMPORMASYON SA BATERYA AT CHARGER

Impormasyong pangkaligtasan sa baterya at charger
Para alisin sa pagkakasaksak ang isang charger o isang accessory, hawakan at hilahin ang plug,
hindi ang kurdon.
Kapag hindi ginagamit ang iyong charger, alisin ito sa pagkakasaksak. Kung iiwang hindi
ginagamit, magagamit ng naka-full charge na baterya ang charge nito sa paglipas ng panahon.
Palaging panatilihin ang baterya sa pagitan ng 59°F at 77°F (15°C at 25°C) para sa
pinakamainam na paggana. Nababawasan ng labis na temperatura ang kapasidad at itatagal
ng baterya. Maaaring pansamantalang hindi gumana ang isang device na may mainit o malamig
na baterya. Maaaring mangyari ang aksidenteng short circuit kapag madikit ang metallic na
bagay sa mga pirasong metal na nasa baterya. Maaari nitong mapinsala ang baterya o ang
ibang bagay.
Huwag itatapon ang mga baterya sa apoy dahil maaaring sumabog ang mga ito. Sumunod sa
mga lokal na regulasyon. Mag-recycle kapag maaari. Huwag itapon bilang basura sa bahay.
Huwag kalasin, gupitin, durugin, baliin, tusukin, o kung hindi ay sirain ang baterya sa anumang
paraan. Kung tatagas ang isang baterya, huwag hayaang madikit ang likido sa balat o mga
mata. Kung mangyari ito, agad na hugasan ang mga apektadong bahagi ng tubig, o humingi
ng tulong medikal. Huwag baguhin, subukang magpasok ng mga ligaw na bagay sa baterya, o
ilubog o ilantad ito sa tubig o iba pang mga likido. Maaaring sumabog ang mga baterya kung
masira.
Gamitin ang baterya at charger para lang sa mga itinakdang layunin ng mga ito. Ang maling
paggamit, o paggamit ng hindi naaprubahan o mga hindi akmang baterya o charger ay
maaaring magdulot ng peligro ng sunog, pagsabog, o iba pang panganib, at maaaring
magpawalang-bisa sa anumang pag-apruba o warranty. Kung naniniwala kang sira ang
baterya o charger, dalhin ito sa service center o sa dealer ng iyong telepono bago ipagpatuloy
ang paggamit dito. Huwag kailanman gumamit ng sirang baterya o charger. Gamitin lang
ang charger sa loob ng mga gusali. Huwag i-charge ang iyong device kapag kumukulog at
kumikidlat.

MALILIIT NA BATA

Hindi mga laruan ang iyong device at mga accessory nito. Maaaring maglaman ng maliliit na
piyesa ang mga ito. Ilayo ang mga ito sa naaabot ng maliliit na bata.

MGA MEDICAL NA DEVICE

Ang paggamit ng mga radio transmitting na kagamitan, kabilang ang mga wireless na telepono,
ay maaaring makagampala sa paggana ng mga hindi sapat na napoprotektahang medical na
device. Komunsulta sa isang manggagamot o sa manufacturer ng medical na device para
tukuyin kung ito ay sapat na napoprotektahan mula sa panlabas na radio energy.
© 2019 HMD Global Oy. Nakalaan ang lahat ng karapatan.
24

Advertisement

Table of Contents
loading

Table of Contents